Thursday, February 24, 2011

Ang Talambuhay ni Emmanuel Manzanero


             Ito ang talambuhay ko, Ako si Emmanuel Contemplacion  Manzanero 17  taong gulang . Nakatira sa bayan San Pablo,Brgy San Diego .
Lumaban ako sa Mr.San Diego

Ako ay pinanganak noong Desyembre 16 1993 .Masayan ako dahil nag karoon ako ng pamilya na tunay na nag alaga sa akin at nagbibigay ng payo sa akin. Noong bata pa ako ang naranasan ko ang mabuting  pag aaruga ng aking mga magulang. Sa Pamilya namin ako ay pangalwa sa magkakaptid . Ako ay may kapatid na babae at kasama ang Ina ko.
My Family

Ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw ang aking Ama.Nalulungkot ako dahil nawala agad ang aking ama at maikling panahon ko lng siyang nakapiling.Noong ako ay nasa Elementarya ako nag aral sa San Diego Elementary School . Doon Akoy natutong makisalamuha at makipag kaibigan . Sa skewlahan na iyon ay maraming naidulot sa aking karanasan tulad ng pagsali sa patimpalak ng school namin . Naidulot nito sa akin magandang kaalaman at doon ko natanggap ang una kong diploma bilang pagtatapos ng elementarya.Noong ako’y grade 1 sa San Diego Elementary, nagging pasaway ako. Sa panahong ito talaga ako nag-umpisang magkaroon ng mga kaaway. Tanda ko pa nga, mayroon akong nakaaway na kapwa ko estudyante, kinuha niya kasi yung aking eraser, tapos nagtataray siya sa akin. Lahat na siguro ng puwedeng gawin ng isang malditang bata nagawa na niya sa akin. Sinugod pa nga ako ng nanay niya. Tinakot niya ako, kesyo lagot daw ako kapag inaway ko pa daw  yung anak niya. Kaklase ko pa nga ngayon yung anak niya pero okay na kami nayon yun naman ay away bata laman. May isa pang nanay na nagreklamo dahil umuwing may black eye yung anak niya dahil sa akin. Paanong di ka maiinis sa ganung bata na wala nang ginawa kundi asarin ako?!! Noong araw nay un, kinuha niya yung baunan ko. Inaagaw ko sa kanya, di ko makuha. Sinuntok ko nga. Pagkatapos noon, bigla akong tumakbo sa likod ng aming iskul.Dahil siguro doon kaya bumaba ang aking seksyon noong ako’y grade 2. Mula seksyo A naging seksyon B. Naging Masaya naman ako sa seksyon nay un. Sa katunayan nga, nagging honor student pa ako noon. Dahil dito tumaas naman ang aking seksyon. hindi na ko nasabitan ng medalya noong grade 4 hanggang grade 6. Marami kasing kakumpitensya. Tinamad na din siguro ako. Sobrang enjoy ang aking buhay sa elementary. Tanda ko pa nga , mayroon kaming activity na tinatawag na Kid’s Prom. Masayang masaya na kami noon kapag naisayaw na kami n gaming mga crushes. Naging Masaya naman ang aking buhay sa elementary.


Noong High School ako ay nag aral sa Col. Lauro D. Dizon National High School . Noong unang araw ko sa eskwelahan ay medyo ako ay naninibago ako. Dahil ibang - ibang ito sa elementarya . Kahit ng iba kong mga kaklase ay nadadako palang sa unang antas ay ganun din . Ang ginagawa ko nalang ay ang makipagkaibigan kahit nahihiya ako sa kanila.Nung first year ako ay hindi ako palaimik kaya ang pinakanapansin lang nila sakin ay ang pagiging tahimik ko.Halos wala nga kujmakausap sakin kasi parang napaka borring kong kasama
Sa unang antas ay natuto na ako tungkol sa mga tamang gawi. Tamang pag-aasal ng isang estudyante sa High School. Sa sekondarya dito ako natutong mag bulakbol at matutong ng mga masamang gawi. Tulad ng pag liban sa klase dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko. Kahit na ganun natuto sa aking mga kamalian na dapat itama. simula ng pasukan ay nainlove agad ako sa isang babaeng,dahil ako ay nagagandahan sa kanya sabi ko sa sarili ko ay kung ako ay sasagutin nya ay ano kayang gagawin ko.Dati ay palagi akong tinutukso ng aking mga kaklase ng balat.Kahit alam ko na pikon na talaga ako sa kanila ay nagtitimpi ako dahil walang idudulot ang away sa oras na yun kundi ang mapasama ako. kaya pinili ko ng lng umiwas sa ayaw bagkus makipagkaibigan na lamang sa kanila at itama ang mga kamalian ko .
           Nung ikatlong antas nga aking pag- aarl ay dito ko nagseryoso sa pag- aaral. Dahil hindi umaayon ang mga marka sa aking kard . Doon ko nakilala si Ma'am Lee at ako'y ibinagsak sa una at ikalawang markahan . Dahil dito napatawag ang aking magulang . Kaya dito ko sinikap ng mag- aral ng mabuti .  Sabi ko sa sarili ko na makakapasa na ako para matulungan ko na ang aking pamilya.Nagkaroon nga ako ng kaklase na tinawag naming banker kasi sa suot at muka niya ay para siyang empleyadi ng banko.Minsan nga kapg nagustuhan naming magkakaklase na mag computer ay hindi na kami pumapasok ng values pero nung sumama ako sa kanila ay hindi pa ko marunong magcomputer kaya nagpaturo ako sa kanila kung paano gumamit noon.Sa ikaapat na antas ay bumaba ang aking seksyon ko . Pero masaya pa rin ako kahit bumaba ang aking seksyon. Dahil hindi kami nag kahiwa-hiwalay ng aking mga tropa tulad nina Peter,Eris at yung iba pa.Palagi ko silang kasama at palagi kaming nagtutulungan. Dito ako nasubok  dahil sa ito ang huling antas ng aking pag-aaral ng sekondarya . Dito din ako natuto ng pagsabak sa CAT at sa mga "Terror Teacher ".Dito ko nakilala si Sir. Dennis Lacsam na siyang nagbibigay ng payo sa aming lahat. Sana ay maka graduate kaming lahat at kasama ako .Nagpapasalamat ako sa lahat ng guro dahil sila ang nagbigay sa akin ng mga kaalaman upang mahubog ang aking talento at angking talino.
JS with my tropa



Good Luck 4G
By :Emmanuel Manzanero 

No comments:

Post a Comment